‘Tao bago kalsada’: Badyet ng Maynila para sa roadworks, ipapambili ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso

Inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno noong Miyerkules na binabalak ng lungsod na gamitin ang inilaang badyet sa paggawa ng mga kalsada para sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid-19.

“Mayroon pa kaming sorpresa, kung talagang itong bakuna na ito ay ligtas na at pangangalagaan ang kalusugan ng tao, aasa sa amin, uunahin ko ang tao bago ang kalsada,”  wika ni Yorme noong Martes.

Aniya, “Kaya ko dinelay ang budget kasi may pinasok na probisyon na kung saan, kakanselin namin ang pagawaing kalye kahit magkanda-lubak-lubak ang Maynila, I don’t care. What matters is we have vaccine for every people. I think with 250 million, it may not suffice to particular company’s price but ot another company it may.”  

“So worse-case scenrio, mayroon pa akong fall back for the people of Manila. Mayroon pa akong mapagkuhanan,” dagdag pa ng alkalde.

Unang sinabi ng city government na maglalaan ito ng P200 milyon sa ilalim ng 2021 budget para sa pagbili ng kanilang bakuna.

Nilagdaan ng Pilipinas kamakailan ang isang supply agreement hinggil sa pagbili ng hindi bababa sa dalawang milyong doses ng Covid-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca.

Nagpaplano rin ang pamahalaan na bumili ng bakuna mula sa Sinovac Biotech ng China, Gamaleya Research Institute ng Russia, at Pfizer ng Amerika.

LATEST

LATEST

TRENDING