Palasyo, hinikayat ang Kongreso na isumite ang 2021 badyet sa unang linggo ng Disyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Dapat isumite ng Kongreso ang 2021 General Appropriations Act (GAA) sa unang linggo ng Disyembre upang mabigyan ng sapat na oras si Pangulong Rodrigo Duterte na i-review ito, giit ng Malacañang noong Martes.

Umaasa si Presidential Spokesperson Harry Roque na maipapasa ng mga kongresista ang panukalang badyet ngayong linggo o sa susunod.

“Well, it has to be this month. Kasi ipa-publish pa po iyan at siyempre kinakailangan din ng kaunting panahon naman ng Presidente natin para busisiin at tingnan kung siya po ay mayroong mga linya o iyong mga line veto na gagawin sa budget,” ani Roque sa isang Malacañang press briefing.

Tinapos ng Kongreso noong Martes ang bicameral deliberations ng P4.5 trilyong national budget, kung saan sinisikap ng mga mambabatas na ratipikahan ang GAA sa susunod na linggo bago isumite kay Duterte sa gitna ng buwan.

“Pero we hope po, if not this week, then the next week, because otherwise baka maubusan po ng panahon na rerebyuhin din naman po natin iyong binuong budget,” dagdag pa ni Roque.

Ang panukalang P4.5 trilyong 2021 national budget ay layong palakasin ang ekonomiya ng bansa na bumagsak bunsod ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING