Mahigit 2,200 cell tower applications, aprubado na: Año

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Interior Secretary Eduardo Año

Mahigit 2,200 applications para sa permits ng telco firms upang magtayo cell towers ang inaprubahan, pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año noong Lunes, alinsunod sa hakbang ng pamahalaan na pabilisin ang paggawa ng cell sites upang mapaigting ang koneksyon sa dulo ng taon.

Ayon sa kalihim, 2,220 applications na ang inaprubahan habang 712 naman ang pending.

Regular din umanong imo-monitor ng kanyang tanggapan ang pending applications sa susunod na linggo hanggang maaprubahan ang mga ito.

Ang nasabing hakbang ng pamahalaan ay nag-ugat sa naging rebelasyon ni Globe Telecom President at CEO Ernest Cu noong Hulyo na kadalasang may 28 hanggang 30 permits at mahigit walong buwan ang itinatagal para lamang sa pagtatayo ng isang tower dahil sa mga itinakdang requirements ng local government units (LGUs).

Nagbabala naman si Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin niya ang mga opisyal ng LGU kung mapapatunayang pinapatagal ang konstruksyon ng cell sites sa bansa.

Sinabi naman ng pinuno ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na awtomatikong aaprubahan ang telcos na may kumpletong applications para sa pagtatayo ng cell towers kung hindi ito aaksyunan ng LGUs o anumang ahensya ng pamahalaan sa loob ng pitong araw.

LATEST

LATEST