Duterte, ‘tinawanan’ ang panukalang gawing krimen ang red tagging: Sotto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

“Tinawanan” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya na gawing krimen ang red tagging, ani Senate President Vicente Sotto III noong Miyerkules, matapos imungkahi sa isang Senate hearing ang pagpataw ng kaparusahan para sa pag-uugnay ng mga indibidwal sa communist movement.

“I told the president last night of the idea of some to criminalize red tagging, he laughed!” wika ni Sotto.

“Napakalabo! It’s like criminalizing name-calling. Paano ‘yung sinasabihan ng fascist? Narcissist? Hindi bawal? ‘Yun yellow? Bawal din?” dagdag pa nito.

Bago makipagpulong kay Duterte noong Martes, tinanggihan ni Sotto ang ideya sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on National Defense sa red tagging.

Ang mga na-“offend” aniya dahil sa pagkakaugnay sa mga komunista ay dapat maghain na lamang ng kasong libel laban sa mga nag-akusa sa kanila, giit ni Sotto.

Subalit, ayon sa ilang senador tulad ni Senate Committee on National Defense chair Panfilo Lacson, pag-aaralan nila ang suhestyon ng constitutionalist na si Antonio Laviña, isang law expert at dating dean ng Ateneo School of Government.

“The proposal is worth looking into,” pahayag naman ni opposition Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Aniya, “Red-tagged individuals have also become target of killings, harassment and threats, and the impunity persists because no one is punished for such acts.”

“Right now, victims of red-tagging can resort to filing of administrative cases before the Ombudsman, but which appears to have little dent,” dagdag pa ng senador.

Unang sinabi ni Lacson na “seryoso” niyang kinokonsidera ang panukala.

“As a matter of fact, I am seriously considering the recommendation to criminalize red tagging as long as such legislation will not infringe on the bill of rights involving freedom of speech and expression,” diin ni Lacson.

Kokonsultahin muna ng Senado ang Department of Justice kung ang pagiging krimen ng red tagging ay makakaapekto sa karapatan sa malayang pamamahayag.

LATEST