Duterte, itinalaga si ex-Cabinet Secretary Evasco bilang adviser for streamlining gov’t processes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at dating Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. bilang Presidential Adviser for Streamlining of Government Processes, na may ranggo ng Secretary.

Ang appointment papers ni Evasco ay nilagdaan noong Nobyembre 24, ayon sa Malacañang noong Miyerkules.

“His familiarity with the present bureaucracy would contribute greatly in his new task of streamlining government processes in the Executive,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.

Si Evasco, isang dating rebelde pari, ay nagsilbi bilang cabinet secretary ni Duterte mula Hunyo 2016 hanggang Oktubre 2018, nang mag-resign ito upang tumakbo bilang gobernador ng Bohol. Subalit, natalo ito.

Itinalaga rin ni Duterte ang negosyanteng si Ramon Jacinto bilang adviser for telecommunications, na may ranggo rin ng Secretary. Ang kanyang appointment ay nilagdaan naman noong Nobyembre 25.

Bago ang kanyang kasalukuyang posisyon bilang Information and Communications Technology undersecretary, si Jacinto ay nagsilbing Presidential Adviser on Economic Affairs and Information Technology kay Duterte.

LATEST

LATEST