Chief Justice Peralta, maagang magreretiro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Chief Justice Diosdado Peralta

Maagang magreretiro si Chief Justice Diosdado Peralta mula sa kanyang puwesto o isang taon bago ang itinakda nitong mandatory retirement, giit ng spokesman ng Korte Suprema noong Martes.

Dahil dito, muling pipili si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong chief justice bago magtapos ang kanyang termino bilang presidente sa 2022.

Si Peralta, na itinalagang punong mahistrado noong Oktubre 2019, ay magreretiro sa Marso 27, 2021, sa kanyang ika-69 na kaarawan, ayon kay Supreme Court spokesperson Brian Hosaka. Ang mandatory retirement age para sa mga mahistrado ng Korte ay 70.

“The Chief Justice did not elaborate further but said that he will make a formal announcement in due time,” ani Hosaka.

Si Peralta ang ikatlong chief justice na pinangalanan ni Duterte matapos mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong 2018. Maagang naudlot ang termino ni Sereno nang matanggal ito sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida. 

LATEST

LATEST