Roque: PH, bibili ng 4 Covid-19 vaccine brands

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential spokesperson Harry Roque

Pinangalanan ni Presidential spokesperson Harry Roque noong Martes ang apat na Covid-19 vaccine brands mula China, Russia, Estados Unidos, at United Kingdom na bibilhin ng pamahalaan.

Ang Pilipinas ay bibili umano mula sa Sinovac ng China, Pfizer ng US, AstraZeneca ng UK, at Sputnik V mula sa Gamaleya ng Russia.

Aniya, “Apat na po ang sinabi ni Secretary Galvez na gagamitin natin: Ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, at Gamaleya.”

Binanggit naman ni Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination, ang positibong findings ng AstraZeneca at Pfizer. Subalit, idiniin nitong hindi pa naglalabas ng datos ang Sinovac at Sputnik V mula sa huling stage ng kanilang clinical trials.

“Ang Phase 3 hindi pa nila pinapakita. Hindi madaling desisyunan kung hindi mo nakikita ang full scientific data,” ani Bravo.

Ang AstraZeneca Oxford vaccine ay 70% effective sa average, habang ang Pfizer at BioNTech naman ay nasa 95% effective, batay sa press releases ng kumpanya.

Nakakuha na ng 2.6 milyong doses ng AstraZeneca vaccines ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang tripartite agreement sa pribadong  sektor, kung saan nagpaplano na rin ito para sa pagbili ng karagdagang doses.

Nag-apply naman ang Sinovac at Gamaleya para sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa upang masuri ang kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna sa malaking bahagi ng populasyon.

Layunin ng Covid-19 task force ng bansa na pabakunahan ang hindi bababa sa 60 milyong katao upang makamit ang herd immunity, kung saan magiging limitado ang virus transmissions.

Unang sinabi naman ni  vaccine czar Carlito ​Galvez, Jr. na iba-ibang bakuna ang makukuha ng mga lalawigan depende sa logistics.

Ang vaccination program ay magtatagal mula tatlo hanggang limang taon para sa mahigit 100 milyong mga Pilipino.

LATEST

LATEST

TRENDING