Palasyo, hihingin ang assessment ng NTC kung naayos ang serbisyo ng Globe at Smart

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Aasa ang Malacañang sa assessment ng National Telecommunications Commission (NTC) para suriin kung na-upgrade na ng Smart at Globe ang kanilang network services habang papalapit ang itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes na sinusubukan ng kanyang tanggapan na makausap si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba para humingi ng feedback.

Aniya, “Kinakailangan po natin ng kasagutan dito dahil ang NTC ang regulatory agency ng ating mga telcos, para malaman natin kung nagkaroon na nga ng improvement.”

Inihayag ng pangulo ang kanyang pagkadismaya sa serbisyo ng Smart Communications at Globe Telecom sa kanyang ika-limang State of the Nation Address noong Hulyo, habang nagbanta sa pagkontrol ng mga operasyon nito kung wala pa ring pagbabago pagsapit ng Disyembre.

Binigyang diin naman ni Roque ang urgency ng pagkakaroon ng maayos na mobile connections at idinagdag ang kahalagahan ng pagpasok ng Dito Telecommunity, ang ikatlong telco ng bansa. Ang Dito, na natakdang i-rollout sa Marso 2021, ay pag-aari ng bilyonaryong negosyanteng si Dennis Uy, campaign funder ni Duterte.

“Sa ngayon po, ang personal experience ko, wala pa rin pong pagbabago,” giit ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING