Malacañang, kinilala ang mga hakbang ng PhilHealth para sugpuin ang kurapsyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Binanggit ng Malacañang noong Martes ang mga isinasagawang hakbang ng PhilHealth para sugpuin ang kurapsyon, habang sumapit na ang buwan ng deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte upang malinis ang ahensya bunsod ng alegasyon ng sistematikong katiwalian dito.

Unang sinabi ng pangulo na nais niyang “linisin” ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran ang PhilHealth pagsapit ng Disyembre matapos akusahan ng mga whistleblowers ang mga opisyal ng ahensya na nagbulsa aniya nang aabot sa P15 bilyong pondo nito at nag-apruba ng mga overprice projects at fund releases para sa mga umano’y pinapaborang mga ospital.

Sinunod naman ni Gierran ang utos ni Dutete na i-reshuffle ang regional at senior vice presidents ng ahensya, ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Aniya, “Alam naman natin na familiarity somehow affects accountability.”

Kinonsulta rin ni Gierran ang iba’t-ibang medical professionals hinggil sa pagsugpo sa maanomalyang claims at kinausap din ang dialysis clinics matapos itong masangkot sa panggagamot aniya ng “ghost” patients, dagdag pa ni Roque.

Pinalawak ng PhilHealth ang dialysis coverage nito nang hanggang 133 sessions bawat taon mula sa naunang 90.

“Nakikita naman po natin na ‘pag binabawasan ang korapsyon, napapadami po ang benepisyo para sa ating mga mamamayan,” sabi ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING