Malacañang, hinimok ang mga telcos na magsumite ng progress report

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Hinikayat ng Malacañang noong Martes ang telecommunication providers na magsumite ng report hinggil sa kanilang mga bagong cell towers, matapos silang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang hanggang Disyembre para ayusin ang kanilang serbisyo kundi mahaharap ang mga ito sa banta ng “pagpapasara” o “expropriation.” 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pa umanong naging improvement sa serbisyo ng dalawang telcos.

Aniya, “Hinihimok ko po ang ating telcos, ano naman po isusukli ninyo matapos kayong pagbigyan ng Presidente doon sa hinihingi ninyo na mapabilis ang approval ng mga telecom towers.”

“I would like to invite both companies to submit to us iyong mga bagong towers na naitayo na nila. And I really want them to commit kung kailan sila magkakaroon ng mas mabuting serbisyo,” dagdag pa ni Roque.

Sinabihan din ni Roque ang National Telecommunications Commission (NTC) na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan hinggil dito.

Binigyang diin naman ni Roque ang urgency ng pagkakaroon ng maayos na mobile connections at idinagdag ang kahalagahan ng pagpasok ng Dito Telecommunity, ang ikatlong telco ng bansa.

Ang Dito, na natakdang i-rollout sa Marso 2021, ay pag-aari ng bilyonaryong negosyanteng si Dennis Uy, na campaign funder ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING