Ilang senador, nais ibalik ang face-to-face classes sa mga lugar na walang Covid cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Sen. Sherwin Gatchalian
Larawan mula sa: Manila Bulletin

Pinanatili ng dalawa mula sa tatlong senador na nagsusulong sa pagsasagawa ng face-to-face classes ang kanilang posisyon na kinakailangan ang muling pagkokonsidera sa kasalukuyang distance learning mode sa mga munisipalidad na walang Covid-19 cases.

Subalit, iginiit ni Senate Committee on Education chair Sherwin Gatchalian na hindi siya pabor sa pagbabalik sa paaralan ng milyun-milyong estudyante, taliwas sa iniisip ni Interior Secretary Eduardo Año.

Aniya, “The signals kasi are quite confusing dahil massage parlor pwede hanggang 75 percent. Sabong, pwedeng mag-open… But ‘yung localized limited face-to-face [classes], hindi pwede. So, we’re sending confusing signals.”

“We have to view education as an essential. We have to put education in the same plain as, say, medical or food security concerns, because learning is an essential part of our economic development,” ani Gatchalian.

Dagdag pa nito, “If our children will not learn, we will have long-term effects here in our country.”

Nagbabala ang senador na baka mawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pagkatuto at maaaring hindi na makapagbigay ng positibong kontribusyon sa bansa.

Sinabi rin ni Gatchalian na inamin mismo ng Department of Education (DepEd) na mahirap ang pagtuturo sa pamamagitan ng distance learning scheme.

“Lalo na ‘yung tinamaan ng bagyo, wala sila ni isang hawak na module. How do they teach, eh, kahit isang module, wala,” sabi ni Gatchalian.

Sa mga malalayong lugar, tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), maraming mga magulang ang hindi nakakumpleto ng edukasyon, dahilan kung bakit hindi nila maturuan ang kanilang mga anak, dagdag pa ni Gatchalian.

Hindi umano bababa sa 200,000 ang dropouts sa BARMM.

“I’m not pushing for full opening of classes. We have to do it localized, and we do it limited,” pagbibigay diin ni Gatchalian.

Dagdag pa nito, “They’re not requesting for 5 days a week. They are requesting for one day in a week, or may be a few hours in a day. Ang importante lang, yung bata magkaroon ng engagement because without engagement, hindi siya matuto.”

Ang kasalukuyang setup ay maaari rin umanong makaapekto sa mental health at social development ng mga bata.

Samantala, dismayado naman si Sen. Imee Marcos dahil mas binibigyan pa umano ng prayoridad ang pagbubukas ng mga sabungan sa halip na mga paaralan.

LATEST

LATEST

TRENDING