Price range para sa RT-PCR tests, epektibo na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang itinakdang price range para sa polymerase chain reaction (PCR) ay ipatutupad simula Lunes, Nobyembre 30, pahayag ng Department of Health (DOH).

“Today is the official effectivity of this Department Circular on (PCR test) price range,” ani Health Secretary Francisco Duque III sa isang Laging Handa briefing.

Noon, ang Covid-19 PCR test ay umaabot nang hanggang P10,000 depende sa bilis ng paglabas ng resulta.

Noong nakaraang linggo, naglabas ang pamahalaan ng joint administrative order ng DOH at ng  Department of Trade and Industry (DTI) upang i-regulate ang mga presyo ng nasabing PCR tests.

Sa isang hiwalay na Department Circular na inilabas noong Biyernes, itinakda ng DOH ang presyo para sa government facilities sa P3,800 habang ang mga pribadong laboratoryo naman ay maaaring maningil nang aabot sa P4,500 hanggang P5,000 para sa bawat PCR test.

“This price range is already inclusive of all costs associated with testing, including a faster turnaround time and other premium services. This information shall be available for public access in the DOH website and other social media platforms,” pahayag ng circular.

Nakasaad din sa nasabing kautusan na epektibo ang itinakdang price range simula Nob. 30, 2020.

LATEST

LATEST

TRENDING