Gov’t officials, hinikayat na maging mabuting ehemplo sa publiko: dating DOH Secretary

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque at Sen. Manny Pacquiao
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Hinikayat ng isang dating health secretary noong Lunes ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na magsilbing mabuting ehemplo sa pag-obserba ng health protocols kontra Covid-19, dahil ilan sa mga ito ang dumalo sa mga matataong events na maaaring ikalala ng pandemiya.

Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, ang mga insidenteng ito ay nagdudulot ng kaisipan na tapos na ang pandemiya, kung saan nalalapit na sa 430,000 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Sa datos na ito, 8,300 na ang nasawi.

Aniya, “I think the government, especially the Department of Health (DOH), has to remind our top officials about maintaining the health protocols and making sure that they show this as an example to the public that they are the role models that the public will follow.”

Ito ay matapos umani ng pambabatikos sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Sen. Manny Pacquiao dahil sa kanilang pagdalo sa mga mass gatherings noong nakaraang linggo.

Si Roque ay nagtungo sa Bantayan Island sa Cebu para i-promote ang turismo habang si Pacquiao ay nagpunta naman ng Batangas para mamahagi ng relief goods. Ang dalawang pagtitipon ay lumabag aniya sa physical distancing protocols.

Pinabulaanan din ni Ubial, na ngayon ay pinuno na ng molecular laboratory ng Philippine Red Cross, ang pahayag ni Roque na nagkaroon ng “general compliance” ng Covid-19 protocols dahil sa pagsusuot ng face masks bagama’t hindi nasunod ang physical distancing. Isinagawa rin umano ito sa labas o sa open air, dagdag pa ni Roque.

Ayon sa dating kalihim, posible pa ring kumalat ang coronavirus kung hindi isusuot nang tama ang face masks.

Aniya, “The chances of viral survival when it’s open air is lower but it doesn’t mean it doesn’t happen.”

Hinikayat din ni Ubial ang pamahalaan na umpisahan ang pagbibigay-alam sa publiko hinggil sa advantages at disadvantages ng paparating na bakuna laban sa Covid-19.

“Don’t give people false hope that if you start vaccinating with COVID-19 vaccine that COVID-19 will disappear. It’s still important to have minimum health protocols… even if we start immunization,” ani Ubial.

Binigyang diin ni Ubial na may “bahagi ng populasyon” na may agam-agam pa rin sa pagbabakuna, lalo na sa isyu ng Dengvaxia kung saan bumulusok ang vaccination rates sa bansa para sa ibang sakit.

“There’s really a segment of the population there’s vaccine hesitancy because of the concept of many people that natural infection is better than artificial,” sabi ni Ubial.

Dagdag pa nito, “The thing that happened with Dengvaxia, that concept or vaccine hesitancy was further fuel, so I think that’s one of things DOH has to deal with.”

LATEST

LATEST

TRENDING