Duque at health experts, hinikayat ang publiko na limitahan ang pagtitipon ngayong Kapaskuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Boy Santos (Philstar)

Naghain ng suhestyon sina Health Secretary Francisco Duque III at isang pangkat ng mga eksperto hinggil sa ligtas na pagdiriwang ng Kapaskuhan sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa OCTA Research Team, ang pinakamainam na gawin ay ang kanselahin lahat ng social gatherings sa panahon ng Kapaskuhan.

“We also appeal to our citizens to avoid not just crowded and enclosed areas but also to refrain from joining or organizing social gatherings this Christmas season,” pahayag ng OCTA Research Team noong Lunes.

Subalit, kung hindi maiiwasan, dapat aniyang limitahan ang family gatherings sa mga kasama sa bahay, kung saan dapat itong isagawa sa labas ng bahay at may sapat na bentilasyon. Ayon sa grupo, ang “social mixing” ng mga kabahayan sa Europa at North America ay nakapagdulot ng ikalawang wave ng Covid-19 cases.

Parehong apela rin ang ipinahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, “Yung pagdiriwang, dapat limitado na sa immediate family members, at sa mga tahanan na lamang ang pagdiriwang.”

“Huwag nang mag-imbita ng mga kamag-anak na galing kung saan-saan,” dagdag pa ng kalihim.

Pinaalalahanan nito ang publiko na iwasan ang pakikipagkita sa mga kapamilyang galing ibang bansa. Iminungkahi rin nitong iwasan muna ang pagbiyahe at pagbisita sa mga kamag-anak sa lalawigan.

“Ipagpaliban po ninyo ang inyong kagustuhan na pumunta sa probinsya dahil mas maigi na ang department circular na in-issue ng DOH, malinaw kung ano ang low-risk activities na dapat gawin,” giit ni Duque.

Hinikayat ng OCTA ang gobyerno na striktong ipatupad ang pagbabawal sa mass gathering na nagpapahintulot lamang sa 10 katao bawat event sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

LATEST

LATEST