Pacquiao, sang-ayon sa posibleng imbestigasyon hinggil sa umano’y paglabag nito sa health protocols

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Manny Pacquiao

Tinanggap ng kampo ni Senador Manny Pacquiao noong Linggo ang anumang posibleng isagawang imbstigasyon hinggil sa umano’y naging paglabag niya sa Covid-19 health protocols nang dumalo ito sa isang event sa Batangas.

Sa isang pahayag, iginiit ng kampo ni Pacquiao na walang naging paglabag sa nasabing event.

Aniya, “We welcome any investigation related to claims that quarantine protocols were violated when we went to Batangas to distribute relief and early Christmas gifts for the people who have suffered so much during the Taal Volcano eruption and the series of typhoons that hit Luzon over the past two months. Before that, we have also distributed relief and financial aid for the fire victims in Bacoor and flood victims in Rizal province and in Marikina.”

“It should be clarified however that in all those events, we have tried so hard to ensure that social distancing and health safety protocols are strictly observed. Marshalls were assigned to ensure that all the requirements set by the National Task Force on Covid 19 are implemented. Physical arrangements for all these events were pre-inspected to ensure social distancing and people were checked for face masks and face shields,” dagdag pa ng kampo ng senador.

Sinabi rin ng kampo ni Pacquiao na ang mga kumalat online na video at larawan mula sa naturang event ay hindi sumasalamin sa tunay na pangyayari.

Naglipana online ang mga larawan ni Pacquiao na namamahagi ng relief goods at regalo, kung saan pinuna ito ng mga netizens dahil hindi umano nasunod ang physical distancing at iba pang Covid-19 protocols.

LATEST

LATEST

TRENDING