OVP, nagtakda ng deadline para sa mga donasyon upang makapagpokus sa typhoon-rehab

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Sinabi ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo na ang fund-raising campaign ng kanyang tanggapan at partner group na Kaya Natin ay tatanggap ng cash donations hanggang Lunes at in-kind donations naman hanggang Sabado.

Ang relief drive ay kumalap na ng aabot sa P64.3 milyon noong Nobyembre 24, ayon kay Robredo.

Ibinahagi ng bise-presidente na nag-deploy ang kanyang tanggapan ng teams upang i-survey ang mga housing materials na kakailangangin ng mga biktima ng sunod-sunod na bagyong humagupit sa Luzon simula Oktubre.

Aniya, “Naglagay na kami ng deadline for donations kasi hanggang kasi tuloy-tuloy iyong donations, hindi masyadong natututukan iyong rehab phase. So ngayon, iyon na iyong inaasikaso natin.”

“Nagta-try na kasi mag-normalize iyong mga communities na tinamaan. So gusto na naming tumutok sa rehabilitation phase,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Bukod sa housing, kailangan din umano ng mga biktima ng bagyo ang livelihood. Ang Bagyong Ulysses ay nag-iwan ng P11.8 bilyong pinsala sa imprastraktura at P7.2 bilyon naman sa agrikultura.

“So ito iyong mga tinitingnan natin, papaano makakatulong iyong opisina namin para sa rehabilitation. Halimbawa, iyong mga nasa fishing communities, sira iyong mga boats,” wika ni Robredo.

“Iyong mga farming communities, ano iyong puwedeng itulong sa kanila. Puwede rito mga binhi, mga seedlings, puwedeng livestock, para mayroon silang hanapbuhay bago iyong mga mas permanent na tulong darating,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING