Mahigit P1 bawat litrong price hike, inaasahan sa Disyembre

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Rico H. Borja (PNA)

Magkakaroon ng malaking oil price hike sa pagsapit ng Disyembre ayon sa estimasyon ng mga nasa industriya ng petrolyo.

Ang karagdagang pataw sa gasolina ay maglalaro mula P1.15 hanggang P1.20 bawat litro.

Nasa P1 hanggang P1.10 naman ang inaasahang pagtaas sa presyo ng diesel, habang nasa P1.10 hanggang P1.15 naman ang inaasahang pagmamahal ng kerosene.

Ang pag-akyat sa presyo ng petrolyo ay iniuugnay sa mga huling development hinggil sa Covid-19 vaccines lalo na’t inaasahan ng buong mundo ang paglalabas ng mga nasabing gamot laban sa nakamamatay na sakit.

Sa Lunes ng gabi, magdedesisyon ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) kung babawasan pa o daragdagan ang produksyon ng langis pagsapit ng Enero 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING