Duterte, pinanatili ang GCQ sa NCR, Davao City hanggang dulo ng taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang Metro Manila at Davao City sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hanggang dulo ng taon upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa GCQ simula Disyembre 1 hanggang 31:

  • Metro Manila
  • Batangas
  • Iloilo City
  • Tacloban City
  • Lanao del Sur
  • Iligan City
  • Davao City

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay isasailalim sa modified GCQ, ang pinakamagaang uri ng lockdown sa bansa.

Unang inirekomenda ng mga alkalde ng Metro Manila ang pananatili ng GCQ status sa rehiyon, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Ang magaang restrictions ay magreresulta sa mas madalas na pakikisalamuha ng mga tao na maaaring magpalaganap ng Covid-19, wika naman ni Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, “Kung dumami ang bilang ng kaso ay posibleng mapuno na naman, ma-overwhelm ang ating systems capacity. At ‘pag na-overwhelm iyan, malaking problema.”

Piling mga establisyimento lamang ang maaaring mag-operate nang full capacity sa GCQ areas.

LATEST

LATEST

TRENDING