Coron, muling magbubukas para sa mga turista sa Disyembre 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isa pang tanyag na tourist destination – ang Coron, Palawan – ay nakatakdang tumanggap ng mga lokal na turista simula ngayong darating na linggo subalit alinsunod sa striktong health protocols.

“Coron, Palawan awaits your return to its magnificent limestone rock formations and stunning lagoons as it opens for domestic travel on December 1, 2020,” pahayag ng Department of Tourism noong Martes sa Twitter account nito.

Ito ang ilan sa mga requirements na dapat pakatandaan ng mga nagnanais bumisita sa popular na destinasyon.

-dapat ay 15 hanggang 65 taong gulang

-dapat mayroong confirmed booking sa isang DOT-certified establishment

-dapat mayroong negatibong swab test, na isinagawa 48 hanggang 72 oras bago ang flight

-dapat i-fill out ang isang health declaration form sa www.corontourism.ph

Sinabi rin ng municipal government ng Coron na ang mga symptomatic nitong mga bisita sa araw ng arrival ay ire-require na sumailalim sa antigen test at magbayad ng P3,500. Kapag sila ay nagpositibo sa Covid-19, sila ay dadalhin sa isang isolation facility. Maisasagawa lamang nila ang kanilang mga aktibidad kapag nagkaroon na ng negatibong result.

Pinaalalahanan nito ang publiko na tanging mga tour packages na in-arrange ng DOT-accredited tour operators ang papahintulutan.

Binanggit ni Coron Mayor Mario Reyes na available ang island-hopping at boat tours subalit ipatutupad din ang striktong health regulations.

Aniya, “We open up everything. Meron lang kaming tinatawag na regulations. Katulad for example, nagpa-book sa isang hotel ‘yung hotel na mismo or kami na mismo ang magpo-provide for example ng van o tricycle sa kanila.”

LATEST

LATEST

TRENDING