Cayetano: Hindi lahat ng kongresista ay kurap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano

Iginiit ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pangkaraniwan na ang katiwalian sa pamahalaan at hindi makatutulong sa pagreresolba nito ang pagtanggi sa isyu.

Naglabas ng reaksyon si Cayetano noong Biyernes tungkol sa 12 representante na tumanggap aniya ng kickacks mula sa public works projects ng pamahalaan.

“It’s not helpful if we’re in denial,” ani Cayetano.

Dagdag pa nito, “Ang adik, bago mo mapagamot, kailangan i-admit niya na nagdodroga siya.”

“[So] I think it is very important we have an independent, open and transparent investigation,” diin ng dating House Speaker.

Ayon kay Cayetano, may mga leads na nagpapahiwatig na posibleng nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kongresista.

Aniya, “Kasi meron pong mga nasa DPWH at even sa congressman na ‘yung lifestyle at ‘yung dami ng pera, kaiba talaga po sa kapasidad niya.”

Hindi naman umano ito nangangahulugang kurap ang lahat ng kongresista.

“To say that all congressmen are corrupt is very unfair at hindi totoo. Para mong sinabing ang lahat ng pari, lahat ng businessman, at ng media korap,” sabi ni Cayetano.

Dagdag pa nito, “Let us not jump into conclusions porke sinabi ‘yung pangalan ng kongresista, huwag nating sabihing totoo na kaagad ‘yun. Paano kung kalaban niya ang nag[papalabas] nu’n?”
 
Kinonsidera ni Cayetano ang kurapsyon sa gobyerno bilang isang “open secret” habang ipinaliwanag na hindi ito agarang mapapansin ng publiko lalo na kung matatag ang ekonomiya.

Aniya, “Hindi nawala, na-lessen lang sa news kasi gumanda ekonomiya. Sa panahon po ni President Erap [Estrada], President GMA [Gloria Macapagal-Arroyo], dahil hirap na hirap po ang mga tao, ang korapsyon ay parating nasa headlines.”

“Pero nu’ng gumanda ang ekonomiya, kung hindi pa nagkaroon ng [Janet] Napoles, hindi talaga mabubulgar lahat ng corruption,” dagdag pa nito.

Nagbigay naman ito ng mga halimbawa ng kurapsyon sa mga nagdaang administrasyon.

“Palipat-lipat lang ‘yan. Department of Agriculture, sa fertilizer, then lilipat sa DepEd, sa libro, then lilipat ng DPWH, nandyan ‘yan, so kailangan ‘yan, ma-expose, makasuhan, makulong,” wika ni Cayetano.

LATEST

LATEST