NCR mayors, nais panatilihin ang GCQ sa rehiyon hanggang dulo ng taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) sa rehiyon hanggang sa dulo ng taon, ayon sa isang mayor noong Linggo.

“We will find out later if all 17 [are in favor], but what I can say is the general consensus of [Metro Manila] mayors is GCQ,” pahayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora, habang iginiit na sang-ayon siya sa naging rekomendasyon.

Nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council sa Linggo ng gabi upnag talakayin ang iba’t-ibang Covid-19 policies, kabilang ang quarantine protocols at safety preparations para sa nalalapit na Kapaskuhan, dagdag pa ni Zamora.

Ang quarantine classifications para sa Disyembre ay inaasahang inaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Ayon naman sa unang pahayag ng OCTA Research Team, pabor ito sa pagpapanatili ng GCQ sa Kalakhang Maynila dahil sa pagtaas ng mga panibagong kaso.

Samantala, inabisuhan naman ni Zamora ang mga kapwa opisyal na striktong ipatupad ang Covid-19 health at safety protocols sa darating na buwan, sapagkat inaasahang mas maraming Pilipino ang aalis ng kani-kanilang mga tahanan sa panahon gn Kapaskuhan lalo na’t may Simbang Gabi.

“My advice, of course, to my fellow mayors: We all have to strictly enforce all our health and safety protocols, lalo na’t inaasahan nating lalabas at lalabas ang mga tao nang pasko,” diin ni Zamora.

LATEST

LATEST

TRENDING