Kaso ng leptospirosis, lumobo dahil sa Bagyong Ulysses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
'ULYSSES' WRATH
Kuha ni: Joey O. Razon (PNA)

Iniulat ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kamakailang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng leptospirosis kung saan 18 katao ang isinugod sa emergency rooms overnight noong Biyernes, para sa kabuuang 64 cases simula nang manalasa ang Bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.

Dalawa sa nasabing 64 patients ay nagpositibo rin sa Covid-19, subalit gumaling na umano ang isa, ayon kay NKTI Executive Director Rose Marie Rosete-Liquete noong Sabado.

Aniya, “They are both alarming because they can always end up with pulmonary failure. Pareho sila.”

Ang leptospirosis ay isang sakit na nagmula sa ihi ng daga na humahalo sa tubig baha.

Ayon sa pinuno ng NKTI, ang spike sa bilang ng mga leptospirosis cases ay dahil sa tail-end ng incubation period ng sakit kung saan puwedeng magpakita ang mga sintomas, sampung araw hanggang tatlong linggo nang paglalakad sa tubig baha.

“You wouldn’t know until you have the symptoms. That’s why kung may prophylaxis ka, hopefully hindi ka magka-symptom,” paliwanag ni Liquete.

Humagupit si Ulysses noong Nobyembre 11, kung saan nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon.

Ang 38-anyos na si Retsan Varga ay isa sa mga nananatili sa NKTI sa nakalipas na tatlong araw matapos ma-diagnose ng leptospirosis.

“Galing po ako sa Henares, Rizal. May finding po doon ilipat ako dito sa Kidney (NKTI) dahil bumaba ang platelet ko – 58 na lang,” wika ni Varga.

Sinabi ng NKTI na karamihan sa mga seryosong leptospirosis cases ay nagmula sa mga lugar na malubhang napinsala ng Bagyong Ulysses: Rizal, Marikina, at Metro Manila.

Halos kalahati ng 64 na naka-admit sa NKTI ay sumasailalim sa dialysis, kung saan nangangahulugan itong lumala ang iniindang sakit.

“It’s flu-like symptoms, fever and sometimes flushed ang mata then they will have some body pains, coughing and then ‘pag naapektuhan na ang kidneys, then that’s a problem,”sabi ni Liquete said.

22 na ang nasawi simula Enero ngayong taon, mula sa kabuuang 124 leptospirosis cases.

LATEST

LATEST

TRENDING