Roque, binati ang mga bagong doktor kabilang ang anak ni Robredo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Binati ng Malacañang noong Huwebes ang mga bagong doktor ng bansa, kabilang na ang anak ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na si Tricia, sa pagpasa sa Physician Licensure Examination ngayong buwan.

Itinuring sila ng Palasyo bilang mga bagong bayani dahil sa kanilang paglahok sa medical workforce habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa.

“Congratulations po sa lahat ng bagong doktor. Congratulations po sa anak ni VP Robredo. Sana ang mga anak ko rin ay mag-graduate at maging doktor din,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Si Tricia Robredo ay isa sa 3,538 PLE passers ngayong Nobyembre.

“Sa panahon ng pandemya, talagang kayo po ang mga bagong bayani at inaasahan natin na dadagsa po ang magbibigay ng tulong-medikal sa ating bayan habang wala pa pong solusyon sa pandemya,” dagdag pa ni Roque.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Roque ang tweets ng mga anak ni Robredo na sina Tricia at Aika ay naging dahilan umano sa mga naging huling birada ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagresponde ng bise-presidente sa epekto ng mga nagdaang kalamidad.

LATEST

LATEST

TRENDING