Pribadong sektor, nakakuha ng 2.6M doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccine para sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vials with a sticker reading,
Larawan mula sa: Reuters

Nakakuha ang Pilipinas ng tinatayang nasa 2.6 milyon doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca sa pamamagitan ng ₱600-milyong donasyon mula sa pribadong sektor.

Pinangunahan ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., at Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang ceremonial signing ng tripartite agreement noong Biyernes, na dinaluhan ng mga malalaking personalidad sa negosyo.

Ayon sa Go Negosyo, mahigit 30 kumpanya ang nag-ambagan para sa donasyon. Ilan sa mga dumalo sa virtual signing ay sina San Miguel Corporation President at Chief Operating Officer Ramon Ang, Ayala Corp. Chairman at CEO Jaime Zobel de Ayala, at JG Summit president at chief executive officer Lance Gokongwei.

Inaasahang mapupunta ang vaccine doses sa mahigit 1.5 milyong Pilipino, kung saan may prayoridad ang healthcare workers at bulnerableng sektor. Kalahati sa doses ay mapupunta sa pamahalaan habang ang isang kalahati naman ay gagamitin ng pribadong sektor para sa kanilang frontliners.

Umaasa ang mga opisyal at negosyante na maide-deliver ang bakuna sa Hunyo 2021, matapos ang clinical trials.

Ayon kay Galvez at Concepcion, inalok umano ng AstraZeneca ang bakuna nang walang profit, kung saan ito na ang pinakamurang nabiling bakuna. Ang isang dose ay nagkakahalaga lamang ng $10 o nasa ₱500. Ang downpayment para sa bawat dose ay nasa $5 lamang o halos ₱250. Nangangahulugan itong mayroong halos ₱626 milyong deposit para sa 2.6 milyong doses sa ilalim ng kasunduan.

“The guaranteed 2.6 million doses will be a game changer,” ani Galvez.

Dagdag pa nito, “It will give our people the confidence that we now finally have the chance to beat the virus.”

Sinabi naman ni Galvez na nagkakaroon ng mga pag-uusap para sa pagbili ng karagdagang isang milyong doses, kasabay ang pagiging kumpiyansa sa bakunang ginawa ng AstraZeneca sa University of Oxford.

LATEST