Pribadong mga ospital at PhilHealth, nag-uusap para ayusin ang delayed payments

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isang grupo ng mga pribadong ospital noong Biyernes ang nagsabing nakararanas sila ng mabagal na pagbibigay ng Covid-19 reimbursements mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc (PHAPI), kasalukuyan umano silang nakikipag-ugnayan sa PhilHealth para sa hindi pa nababayarang claims.

Aniya, “Medyo may delay po ang payment ng PhillHealth pero kami po right now nakikipag-usap na po kami sa pamunuan ng PhilHealth at nangako sila na bibigyan kami ng mga kaukulang reimbursement namin.”

Gayunpaman, iginiit ni De Grano may may kasalanan din ang ilang pribadong ospital hinggil sa delayed reimbursements.

“May problema din ang mga hospitals. Inaayos na namin ‘to para madali ang pagbabayad ng PhilHealth,” dagdag pa nito.

Noong Hunyo, pinuna rin ng PHAPI ang PhilHealth tungkol sa hindi nababayarang claims na nagresulta sa pagsasara ng ilang ospital.

Tinanggihan naman ito ng PhilHealth as sinabing binayaran na nito ang mga pribadong ospital ng tinatayang nasa P24.5 bilyon noong 2020. Binayaran din umano nito ang accredited hospitals ng P114.6 bilyon noong 2018 at P97.4 bilyon noong 2019.

“PhilHealth continues to find ways to ensure that claims are fast-tracked and paid within the prescribed period of 60 days as mandated by law,” pahayag ng ahensya.

Dagdag pa nito, “PhilHealth continues to call upon hospitals to reconcile their claims records with their regional offices to keep themselves updated of the status of their claims.”

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang ahensya sa naging huling pahayag ni De Grano.

LATEST

LATEST

TRENDING