DepEd: ₱6.8-M halaga ng modules sa Marikina, nasira dahil sa baha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Typhoon Ulysses
Kuha ni: Ted Aljibe (AFP)

Tinatayang nasa ₱6.8 milyong halaga ng modules ang nasira bunsod ng pagbaha sa Marikina City na dulot ng mga nagdaang bagyo, ayon sa Department of Education (DepEd) regional office.

Sinabi ni DepEd Regional Director Malcolm Garma na ilang paaralan sa Marikina, isa sa mga pinakamalubhang tinamaan sa National Capital Region (NCR), ay nalubog sa tubig baha kasama ang mga modules.

Aniya,“Kasama po sa mga nalubog sa baha ay mga gamit sa eskwelahan kasama na nga ang mga module.” 

Sinuspinde ng Marikina local government unit (LGU) ang klase sa lahat ng antas sa loob ng isang buwan dahil sa epekto ng kalamidad. Ayon kay Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, posibleng i-extend pa ang suspensyon ng klase kung hindi pa handa ang mga mag-aaral at school materials sa susunod na buwan.

Ipinahayag naman ni Garma na ang pondong gugugulin para sa replacement ng modules, na nasa ₱7 milyon, ay handa nang i-download ng DepEd.

Samantala, nag-ulat din ang DepEd Calabarzon ng malawakang pinsala sa mga modules at school infrastructures sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay DepEd Region IV-A Director Wilfred Cabral, 35,000 self-learning modules, 331 computer units, at 50 printers ang nasira nang bayuhin ng magkakasunod na bagyo ang lalawigan.

Aabot naman nasa ₱13 milyon ang naging kabuuang pinsala, pahayag ng DepEd.

LATEST

LATEST

TRENDING