NDRRMC: ₱200-M halaga ng ayuda, naibigay na sa typhoon victims

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Milyun-milyong pisong ayuda na ang naipamahagi sa mga taong naapektuhan ng mga nagdaang bagyo kamakailan, pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Huwebes.

Yung cost of assistance ay nasa almost ₱200 million na,” ani NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad.

Subalit, nilinaw ni Jalad na batay lamang ito sa datos ng Department Social Wealfare and Development, Department of Health, at Office of Civil Defense. May mga ulat pa umanong hindi naipo-post.

Nagbigay din ng datos si Jalad tungkol sa halaga ng pinsalang idinulot ng mga Bagyong Ulysses at Rolly.

Ang pinsala sa imprastraktura dahil kay Rolly ay umabot sa ₱12.9 nilyon, habang ₱10.79 bilyon naman ang kay Ulysses. Aabot naman sa 295,000 kabahayan ang nasira dahil sa dalawang bagyo.

Malubhang pinsala naman ang naidulot sa sektor ng agrikultura kung saan pumalo ng ₱540 bilyon ang halaga nito dahil sa Bagyong Ulysses.

“Sana nagkamali kami rito,” tugon ni Jalad sa napakalaking halaga ng pinsala.

Samantala, sinabi naman ni Budget Secretary Wendel Avisado sa isang Palace briefing noong Huwebes na nakapag-disburse na ang ahensya ng kabuuang ₱225 milyong calamity funds para lamang sa lalawigan ng Quezon, na binayo ng magkakasunod na bagyo ngayong taon.

Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa lalawigan ay umabot ng ₱3.5 bilyon.

Nang tanungin naman tungkol sa mungkahi na ilipat ang awtoridad sa pagpapakawala ng tubig ng mga dams sa NDRRMC, Sinabi ni Jalad na: “Pwede siguro icreate natin yung committee as an oversight to the two…organizations concerned, PAGASA and the dam managers, in preparing for the approach of a typhoon. But ang desisyon pa rin ay diyan sa PAGASA at sa dam managers dahil sila ang nakakakita dun sa actual na sitwasyon.”

Inihalintulad ni Jalad ang desisyon sa pag-retreat ng mga sundalo sa tactical level.

“Hindi ho ‘yan dinedesisyunan, lalo na yung company size or platoon size yung level…ng chief of staff of the Armed Forces of the Philippines kung ‘di yung tactical commanders sa ground,” ani Jalad.

Unang iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-oversee ng NDRRMC ang dam discharge protocols upang mas makapaghanda ang mga residente sa mga malalapit na lokalidad sakaling may nagbabadyang kalamidad.

Samantala, ayon naman kay ASEAN Center for Biodiversity Executive Director Theresa Mundita Lim, long-term at integrated planning ang makatutulong sa bansa upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad tulad ng bagyo sakaling mangyari ang mga ito.

Importante umano na hindi lamang magpokus sa agarang response, kundi pati na rin sa long-term strategy, na dapat hindi lamang kasangkutan ng isang sektor.

“Ang mga threats kasi sa biodiversity ay wala naman sa environment alone. It also involves other sectors and that is why the approach should be integrated and the planning should be long term,” paliwanag ni Lim.

Magiging epektibo lamang aniya ang development planning kung ikokonsidera rin ang epekto nito sa natural ecosystem.

Mahalaga rin umano ang pagprotekta sa natural assets ng pamahalaan na siyang magbibigay proteksyon sa mga tao tuwing may kalamidad.

LATEST

LATEST

TRENDING