Late budget approval, sanhi ng delay sa 2019 flood control projects: MMDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: AFP

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang implementasyon nito ng flood control projects sa National Capital Region (NCR) ay naantala dahil sa late approval ng 2019 badyet.

Sa ginanap na Senate hearing hinggil sa malawakang pagbaha sa Luzon ngayong buwan, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang late approval ng 2019 badyet ang nakaantala sa kanilang pagpaplano.

Ito ang naging tugon ng opisyal sa tanong ni Sen. Risa Hontiveros tungkol sa isang ulat ng Commission on Audit na nagsabing mahigit kalahati ng MMDA flood control projects ay hindi pa naisasakatuparan.

Ayon sa senadora, hindi nakumpleto sa oras ang mga nasabing proyekto dahil sa “inadequate planning and absence of coordinating mechanism with the other concerned agencies and stakeholders.” Ito ay nagresulta aniya sa hindi pagtupad ng MMDA sa layunin nitong tugunan ang pagbaha sa NCR.

Iginiit din ni Garcia na nakaantala rin ang ginanap na halalan noong 2019 sa delay, kung saan nagkaroon ng ban sa bidding procedures ng pamahalaan.

Gayunpaman, sa 108 proyekto noong 2019, 11 na lang umano ang hindi pa nakukumpleto. Idiniin nitong “minimal” ang karamihan sa mga proyektong ito na nakatuon sa rehabilitation ng drainage, at maintenance projects.

LATEST

LATEST

TRENDING