Gobyerno, nagpatupad ng price range para sa Covid-19 tests

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Reuters
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Itinakda na ng pamahalaan ang price range para sa RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) Covid-19 tests sa bansa matapos umalingawngaw ang mga reklamo tungkol sa mataas na singilan nito.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na ang range para sa nasabing test sa mga pribadong ospital at laboratoryo ay naglalaro sa pagitan ng ₱4,500 hanggang ₱5,000. Samantala, ang mga pampublikong pasilidad naman ay maaari lamang maningil ng ₱3,800 bawat swab test.

Pumirma ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ng joint administrative order upang itakda ang presyo noong Martes pagkatapos mag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order. Ayon kay Duque, ginawa umano ang price range matapos alinsunod sa mabusising market survey.

Ayon sa kalihim, ang mga pribadong pasilidad ay maaaring maningil ng mas mura kumpara sa itinakdang floor price subalit hindi maaaring lumagpas sa ₱5,000 — kahit para sa mga rush test results. Hinikayat nito ang pribadong sektor na huwag abusuhin ang itinakdang price range ng gobyerno.

“Hindi maganda na nagkaroon ka nga ng range tapos itotodo nila sa allowable ceiling… Pwedeng bumaba sila sa ating doon, sa ating price ceiling pero huwag silang lalampas doon,” giit ni Duque.

Ang mga ospital at laboratoryong lalabag sa test price cap ay pagmumultahin ng hanggang P30,000 at license suspension hanggang isang buwan, paglilinaw ni Duque.

LATEST

LATEST

TRENDING