Galvez: Covid-19 vaccination para sa buong bansa, posibleng magtagal ng 5 taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Posibleng matagalan ang pamahalaan nang hanggang limang taon para makumpleto ang binabalak nitong Covid-19 vaccination drive, kung saan 35 milyong Pilipino ang bibigyang prayoridad, ayon sa isang opisyal noong Miyerkules.

Sinisikap ng Pilipinas na makakuha ng vaccine supplies mula sa 5 hanggang 6 bansa at umaasang mailalabas na ang pondo ngayong Disyembre, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against Covid-19. 

Ang Food and Drug Administration ay nakatakdang tapusin ang kanilang pag-aaral sa clinical trials ng mga bakuna sa unang quarter ng 2021.

Ang “best case scenario” umano para sa rollout ng mga gamot ay nasa ikalawang quarter ng 2021 habang ang “worst or realistic” scenario ay sa dulo ng 2021 o sa pag-uumpisa ng 2022.

Posible umanong mabakunahan ang 20 milyong katao bawat taon.

Aniya, “Sa vaccination po natin ng more or less 60 to 70 million [people], we will do this in a 3 to 5-year period.”

Gagamit ang bansa ng geographical at sectoral strategy para sa distribusyon ng Covid-19 vaccine, ayon sa Palasyo noong Martes.

Bibigyan naman ng prayoridad ang mga Covid-19 “hotspots” tulad ng Metro Manila, Davao City at Bacolod City, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Sa mga lugar na ito, uunahin naman ang mga mahihirap, bulnerable, health workers, sundalo, pulis, at iba pang frontliners.

Noong nakaraang linggo, sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasagawa ng advance payment para sa pribadong vaccine developers para tiyaking makakukuha ng suplay ang Pilipinas ng bakuna.

Inaasahan din umanong ipag-uutos ng pangulo ang emergency use ng Covid-19 vaccines, dagdag pa ni Roque.

LATEST

LATEST