Galvez: Covid-19 response ng bansa, maayos dahil sa ‘magandang leadership’ ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Bagama’t may natagpuang Covid-19 virus strain sa bansa na may mataas na mutation, kumbinsido si Covid-19 task force chief implementer Carlito Galvez Jr. na natutugunan nang maayos ng bansa ang Covid-19 pandemic.

Aniya,  “Dahil po sa magandang leadership ng ating mahal na pangulo at sa pamumuno ng IATF, nakaya po natin na kahit napaka virulent ng virus na pumasok sa atin, ay na-manage natin.”

Sinabi ni Galvez sa isang press briefing noong Huwebes na mahirap paghambingin ang Covid-19 response ng bawat bansa, sapagkat may iba-ibang strains ang coronavirus.

Iginiit ng vaccine czar na ang coronavirus strain sa bansa ay mayroong “high mutation.”

Batay sa isang bagong pag-aaral ng Bloomberg, ika-46 ang Pilipinas mula sa 53 na mga bansa pagdating sa Covid-19 resiliency. Ang mga karatig-bansa naman ng Pilipinas ay naging maayos sa kanilang Covid-19 response tulad ng Vietnam (ika-10), at Thailand (ika-15).

Idiniin ni Galvez na bawat bansa ay mayroong nagkakaibang geospatial at demographic conditions, na dapat umanong ikonsidera.

“Dapat tignan po dito ‘yong kung ano ang sitwasyon sa isang lugar kasi hindi natin maco-compare dahil ‘yong geospatial tsaka tinatawag nating demographic conditions ng isang country ay magkakaiba,” sabi ni Galvez.

LATEST

LATEST