Walang sobrang gastos sa flight ng Gabinete patungong Davao: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Wala umanong naging dagdag gastos sa flight ng mga miyembro ng Gabinete patungong Davao City para sa kanilang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, giit ng Malacañang noong Huwebes.

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sumakay ang Cabinet members ng isang C-295 kasabay ang mga medical supplies na sa Davao ang destinasyon, kung saan hindi na kinailangan ang paglalabas pa ng pondo.

Aniya, “Ang sinakyan po namin C-295, cargo. Kasama po namin medical supplies intended for Davao so incidental po kami. Wala pong extra cost.”

Ayon kay Roque, handa siyang maglabas ng mga larawan para ipakita kung ano ang kalagayan ng staff sa loob ng eroplano.

“If you want, I will publish a picture po kung ano ang sitwasyon nung mga staff namin na nakasakay dun sa cargo area ng eroplano. It’s a lot of sacrifice po and there was no expense spent just for us. We were incidental passengers in a full cargo flight,” dagdag pa ni Roque.

Noong Lunes, pinuna ng netizens ang kabuuang gastos ng Cabinete members at ni Duterte tungkol sa pagbiyahe nila patungong Davao City.

Iminungkahi ng ilan na puwede namang makipagpulong sa pamamgitan ng video conference para makatipid.

LATEST

LATEST

TRENDING