Rep. Fernando, itinangging may kasalanan ang kanyang kumpanya sa pagbahang nangyari sa Marikina

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pag-apaw ng Marikina River dahil sa Bagyong Ulysses
Larawan mula sa: Philstar

Pinabulaanan ni Marikina Rep. Bayani Fernando noong Sabado ang naging alegasyon ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na ang isang reclamation project ng private company ng kongresista ay ang salarin sa nangyaring malalalang pagbaha sa lungsod bunsod ng Bagyong Ulysses.

Itinanggi ni Fernando ang mga paratang ni Teodoro na ang nasabing proyekto ng BF Corp. sa kahabaan ng Marikina River ay isa sa mga naging dahilan ng malawakang pagbaha sa lungsod at na ito ay wala umanong environmental compliance certificate (ECC).

Ipinaliwanag ni Fernando na ang proyektong tinutukoy ni Teodoro ay ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ito ay mayroong ECC.

“BF Corp. has nothing to do with the existing Provident Village flood control dike. As congressman, I am the sponsor of another project to raise that dike which is ready for construction, already funded and has been bidded out, and is now just waiting for approval of the mayor,” giit ng dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman.

Naniniwala si Fernando na ang itinuturo ng alkalde ay ang proyekto ng DPWH na matatagpuan sa “kabilang dako ng ilog na kabahagi ng Barangay Calumpang kung saan nakita ang ilang trak na nagtatapon ng lupa sa ilog.”

“The truck is owned by the contractor of DPWH for that ongoing work. This is part of the road as planned on each side of the river running the whole length of the river system,” paglilinaw ni Fernando.

Idinagdag ni Fernando na personal lamang niyang tinulungan ang DPWH hinggil sa engineering design ng proyekto, sapagkat may nalalaman siya tungkol sa lugar bilang dating alkalde ng Marikina at MMDA chairman.

“I have assisted the DPWH and JICA, the project funder, in drawing up the completed flood control plans for the barangays of Dela Peña, Tañong, Barangka, Industrial Valley, Calumpang and Malanday, all in my congressional district here in Marikina. I have also sourced initial funds to start implementation of these works,” dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Fernando na tumutulong siya sa paghahanap ng lunas para sa madalas na pagbaha sa siyudad.

Aniya, “I have filed a resolution in Congress since August last year for an enquiry on this Marikina River flood control program, which has been going on for 50 years now and about P50 billion spent and here we are still wallowing in mud.”

Samantala, inihayag naman ng Marikina city government na magsasampa ito administrative complaint laban sa BF Corp.

Bumuo umano sila ng complaint na isusumite naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Our prayer is for the natural river course to be restored because alteration has been done,” sabi ni Teodoro.

Sinuri naman ni Teodoro at ni DENR Secretary Roy Cimatu ang nasabing reclamation project na matatagpuan sa gilid ng Providence Village sa Barangay Tañong.

Lumiit umano ang 100-meter-wide na ilog nang 20 metro dahil sa proyekto, kung saan nagdulot ito ng bottleneck na nagpabagal sa daloy ng tubig.

Ayon kay Teodoro, nilabag aniya ng BF Corp. ang Presidential Decree 1586 o ang Philippine Environmental Impact Statement System nang hindi ito kumuha ng ECC mula sa DENR.

LATEST

LATEST

TRENDING