Mga kurap na mambabatas sa listahan ng PACC, ‘di aabot ng 12: Belgica

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inihayag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) noong Miyerkules na “mas konti sa 12” ang bilang ng mga kongresistang kabahagi ng listahang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte, na may mga pangalan aniya ng mga opisyal na sangkot sa kurapsyon.

“‘Yung exact number is less than 12, ang alam ko, ang naisubmit sa pangulo. May isa (witness) nagsasabi na paulit-ulit na pinopondohan na tulay. Merong nagsasabi na ghost project. ‘Yung isang witness naman, sinasabi na siya mismo ang hinihingian,” giit ni PACC commissioner Greco Belgica habang hindi nagsasabi ng kahit anong pangalan.

Ayon kay Belgica, sinabi umano ng isang witness na isang mambabatas aniya ang humihingi ng 10 percent na komisyon – at humingi rin ng shares bagama’t nanggagaling sa ibang sources ang pondo para isang proyekto.

“Yung isang witness said, ang hinihingi sa kanya is 10 percent. Kahit hindi daw po galing ‘yung pondo doon sa Congressman niya, ibig sabihin galing sa ibang departmento or galing sa ibang agency, ay hinihingian pa rin daw sya. Pagkagaling daw sa Congressman niya, pumasok sa distrito, ang hinihingi sa kanya sampu. Pagka hindi daw, galing daw sa ibang agency, humihingi raw ng lima. 5 percent. Kaya siya nagagalit. Dahil sabi niya, sir ako na nagtrabaho nito, hindi naman galing sa kanya, bakit hinihingaan pa ako?” dagdag pa ni Belgica.

Sa kanyang public address noong Lunes, ibinunyag ni Duterte na binigyan siya ng PACC ng listahan ng mga kongresistang sangkot umano sa paghihingi ng komisyon mula sa mga contractors.

Gayunpaman, walang binanggit na mga pangalan ang pangulo sapagkat wala umano siyang kapangyarihang paimbestigahan ang isang co-equal na sangay ng pamahalaan.

Idinagdag ni Duterte na isusumite niya ang nasabing listahan sa Ombudsman para sa pormal na imbestigasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING