Mga kaalyado ni Velasco sa Kamara, nagkakaroon umano ng ‘silent war’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
House Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara

May nangyayari aniyang ‘silent war’ sa pagitan ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara.

Ito ay nag-umpisa umano sa pagkwestyon ng ilang mga kaalyado ni Velasco sa pagkatatalaga kay Davao City Rep. Paolo Duterte bilang pinuno ng House Committee on Accounts.

Sa idinaos na dinner gathering ng mga tagasuporta ni Velasco sa Rizal Park Hotel noong Nobyembre 10, biniro aniya ni AAMBIS OWA Partylist Rep. Sharon Garin si Duterte sa pagkakatanggap nito ng posisyon bagama’t hindi ito bumoto kay Velasco sa House speakership.

Hindi naman ikinatuwa ni Duterte ang naging pahayag ni Garin kaya’t kinompronta niya ito ay nagkaroon ng komosyon. Naawat naman kinalaunan ang dalawang mambabatas.

Unang pinangakuan noon ni Velasco si Garin ng committee chairmanship subalit hindi ito naisakatuparan matapos hindi sumang-ayon si Albay Rep. Joey Salceda na malipat ng komite mula sa kaniyang pinamumunuang ways and means committee, na siyang nais sanang makuha ni Garin.

LATEST

LATEST

TRENDING