Lacson: 2021 infra badyet ng ilang congressional districts, tumaas sa pamumuno ni Velasco

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isiniwalat ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na tumaas ang 2021 badyet sa imprastraktura ng ilang congressional districts, kasunod ng pagbabago sa liderato sa Kamara noong Oktubre.

Ibinahagi ng senador na may isang distrito na mayroong NEP na P9 bilyon, subalit lumobo ito ng P15 bilyon. May isa rin umanong distrito na nasa P4 hanggang 5 bilyon, subalit sa paglabas ng GAB,  nadagdagan ng isa pang P4 hanggang 5 bilyon, P7.9 bilyon, 7.5 bilyong.

Bukod dito, ibinunyag din ni Lacson na tumaas din ang badyet ng mga distrito ng mga mambabatas na kaalyado ng kasalukuyang House Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Velasco ukol sa naging pahayag ni Lacson.

LATEST

LATEST

TRENDING