Duterte, pinagsabihan ang human rights groups na huwag makialam sa drug war

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi dapat mangialam ang human rights advocates sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan, giit ni Pangulong Rodrigo Duterte sapagkat magpapatuloy lamang umano ang perwisyo ng iligal na droga kung hindi ipatutupad ang mga palisiya ng administrasyon.

“Human rights (groups), you better look for another fight,” diin Duterte ni sa isang televised address noong Lunes.

Dagdag pa ng pangulo, “Do not tinker with the drug problem in the Philippines. This is mine and mine alone.”

Paulit-ulit na binabanatan ng pangulo ang mga kritiko ng kanyang drug war, na naiugnay sa extrajudicial killings at iba pang pang-aabuso.

Batay sa isang inilabas na ulat mula sa United Nations noong Hunyo, ang pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga sa Pilipinas ay “walang pagpapahalaga” sa rule of law, due process, at human rights ng mga tao.

Nanatiling mariin naman ang tindig ng pangulo sa isyu at ipinag-utos sa mga awtoridad na huwag pansinin ang mga “banta” ng advocacy groups, na layon lamang aniyang “siraan” at “ipakulong” ang mga pulis na nagtatrabaho lamang.

“Do not be afraid of the threats of the…netong human rights (groups),” ani Duterte.

Dagdag pa nito, “Walang mangyayari sa bayan ko. Kung umatras ako, walang mangyayari sa Pilipinas sa panahon ko.”

Sinabihan din nito ang mga pulis na “huwag matakot” na bumaril basta’t nasa peligro ang kanilang buhay.

Aniya, “Wag kayong matakot pumatay. Hayaan mo ‘yang human rights, basta you do it in accordance with law. Again, the only time you are allowed to kill is when your life is in danger.”

Sa parehong address sa publiko, iniulat naman ni Interior Secretary Eduardo Año na 3,646 suspek ang inaresto ng Philippine National Police mula Nob. 1 hanggang 21. Ito ay mula sa ikinasang 2,946 anti-illegal drug operations, na ikinasawi ng 37 indibidwal.

LATEST

LATEST

TRENDING