Duterte, nais isama ang mga pulis at militar sa mga bibigyang prayoridad sa Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang mga pulis at militar sa listahan ng mga sektor na bibigyang prayoridad sa Covid-19 vaccination sapagkat kakailanganin niya umano ang mga ito para sa isasagawang vaccine rollout.

“I need a healthy military and police kasi kapag magkasakit lahat ‘yan, wala na ako maasahan, wala tayo mautusan,” ani Duterte sa lingguhang meeting kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Lunes.

Inilarawan ng pangulo ang mga sundalo at pulis bilang “errand boys of the Republic” dahil ang mga nasabing uniformed personnel ay nasa frontlines sa pagresponde laban sa Covid-19 pandemic at nangunguna rin sa rescue at relief efforts sa mga lugar na napinsala ng mga bagyo.

“Kita naman ninyo ‘yung baha sa Luzon. Kita ninyo military, Coast Guard, lahat na pumupunta doon, at pulis. And then they have to take care of the law and order situation. Huwag na ninyo masyado pahirapan ‘yung pulis, wala naman kayong gawin,” dagdag pa ng pangulo.

Samantala, ayon naman kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang pinakamaaga umanong posibleng rollout ng Covid-19 vaccines ay maaaring mangyari mula Mayo hanggang Hulyo 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING