
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pitong batas na layong i-upgrade ang ilang mga ospital sa bansa at magtayo ng provincial medical facility, habang nagpapatuloy ang laban ng bansa kontra Covid-19 pandemic.
Ang mga bagong batas na ito ay ang:
- Republic Act 11495 na layong itayo ang Bicol Women’s and Children’s Hospital sa Pamplona, Camarines Sur
- RA 11496 na layong itaas ang kapasidad ng Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo City sa 700 beds mula sa kasalukuyang 425, at pagbibigay awtorisasyon sa pag-hire ng mas maraming health workers
- RA 11497 na layong itaas ang kapasidad ng Las Piñas General Hospital And Satellite Trauma Center sa 500 beds mula sa 200, at pahintulutan ang hiring ng mas maraming health workerss
- RA 11498 na layong doblehin ang 500-bed capacity ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City, Cagayan
- RA 11499 na layong palawigin ang serbisyo ng Malita District Hospital sa Malita, Davao Occidental
- RA 11500 na layong i-upgrade ang Siargao District Hospital sa Dapa, Surigao Del Norte patungo sa level 2 general hospital upang maging Siargao Island Medical Center
- RA 11501 na layong doblehin ang 500-bed capacity ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City