Duterte, sinabing wala siyang kapangyarihan upang imbestigahan ang mga kurap na kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na wala siyang awtoridad na paimbestigahan ang mga mambabatas na sangkot sa kurapsyon.

Sa kanyang lingguhang pagpupulong kasama ang mga miyembero ng kanyang Gabinete, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng listahan ng mga “kurap” na kongresista mula kay Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Gayunpaman, nilinaw ng pangulo na wala siyang kapangyarihang paimbestigahan ang mga mambabatas sapagkat sila ay nasa ibang sangay ng pamahalaan.

Aniya, “Alam mo, let’s go to political law. I have no business investigating congressmen. They belong to a separate organ of government which is co-equal with the president pati ang Supreme Court.”

“Ngayon kung itapon mo sa akin, I have no other recourse, itapon ko din ‘yan sa Ombudsman,” dagdag ni Duterte tungkol sa isinumiteng listahan sa kanya.

Idiniin ng pangulo na hindi siya naghuhugas kamay sa hindi pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga kongresista, sapagkat sila ay saklaw ng ibang sangay ng pamahalaan.

“I cannot investigate congressmen. It will be an encroachment of the separation of powers. Hindi ako puwede,” pagbibigay linaw ni Duterte.

Dagdag pa nito, “If I cannot investigate the congressmen, then I have no authority to be releasing their names that they are involved per investigation by the PACC.”

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na puwedeng isapubliko ng binuong anti-corruption task force at ang mga member agencies nito ang mga pangalan ng mga nabanggit ng kongresista.

“It’s not the congressmen himself who is being investigated. In different perspective, if it’s a particular transaction being investigated, for example, by the PACC or the task force against corruption,” sabi ng kalihim.

Dagdag pa nito, “And in the course of the investigation it will turn out that some members of the legislature is involved in a particular corrupt practice or transaction, I think it is within the power of the task force to mention these members of Congress who are allegedly involved.”

Noong Oktubre, nag-isyu ng memorandum si Duterte upang direktahan ang Department of Justice (DOJ) na paimbestigahan ang mga anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.

LATEST

LATEST

TRENDING