Duterte, pinag-usapan ang Covid-19 vaccine sa kanyang talumpati sa APEC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte sa APEC Economic Leaders’ meeting

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang iba pang 20 na lider ng mga bansa sa Pacific rim tungkol sa pagbuo ng kasunduan na layong isantabi ang hidwaan sa kalakalan at isulong ang pagkakaisa sa paglaban sa Covid-19 pandemic na lubos na nakaapekto sa ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon.

Ang naging kasunduan noong Biyernes sa pamamagitan ng pag-isyu sa Kuala Lumpur Declaration, ay nagwakas sa dalawang-taong deadlock sa plano ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na magbalangkas ng matibay na dokumento na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga bansa matapos itong maapektuhan dahil sa hidwaan sa kalakan sa pagitan ng Washington at Beijing.

Sinabi ni APEC 2020 host Malaysian Prime Minister Tan Sri Muhyiddin Yassin sa mga mamamahayag na ang hidwaan ng dalawang superpowers sa kalakalan ay “natabunan ng Covid-19 pandemic.”

Dumalo si United States President Donald Trump, na natalo sa kanyang reelection, sa APEC summit noong Biyernes matapos nitong tumanggi sa pagdalo noong 2017. Isang araw bago ang pagpupulong ng mga lider, nilinaw naman ni Chinese President Xi Jinping na hindi sasang-ayunan ng Beijing ang protectionist trade policies.

Isa-isang nagpahayag ng talumpati ang 21 APEC leaders, kung saan isa sa mga pinakahuling nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte na nauna kay Russian President Vladimir Putin.

Sa inilaang tatlong minuto kay Duterte, tinakalay nito ang Covid-19 vaccines at hinikayat ang mga kapwa lider na tiyaking “walang balakid sa daloy ng medical supplies at techonologies.”

“We have to defeat the virus everywhere, or no one is safe. To do this, we need to strengthen partnerships to make vaccines a global public good,” ani Duterte.

Isinulong ng pangulo ang pagkakaroon ng “tripartite arrangements sa gobyerno, pribadong sektor, at multilateral financial institutions” bukod sa bilateral deals para sa access sa bakuna.

Bago ganapin ang APEC Economic Leaders’ meeting, ibinunyag ng Malacanang na sumang-ayon si Duterte sa advance supply agreements at sa pagbabayad ng advanced payments sa Covid-19 vaccine manufacturers.

Nagkaisa rin ang mga lider na gumawa ng bagong 20-year development plan na naglalaman ng strategic direction ng APEC, na layong palitan ang Bogor Goals na ginawa noong 1994.

“To ensure that the Asia-Pacific remains the world’s most dynamic and interconnected regional economy, we acknowledge the importance of, and will continue to work together to deliver a free, open, fair, non-discriminatory, transparent and predictable trade and investment environment,” pahayag ng dokumento.

LATEST

LATEST