Duterte, ‘atat na atat’ nang tapusin ang kanyang termino: Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

“Atat na atat” na umano si Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang kanyang anim na taong termino bilang pangulo sa Hunyo 2022, upang siya ay makauwi na sa Davao City, pahayag ng Malacañang noong Lunes.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos banggitin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang posibilidad ng Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections kung saan puwede umanong tumakbo sa pagka-bise-presidente si Duterte habang ang kanyang anak namang si Davao City Mayor Sarah Duterte ay maaaring tumakbo bilang pangulo sa 2022 national at local elections.

“Ang pagkakaalam ko po eh atat na atat na si Presidenteng matapos ang kaniyang termino’t gusto na niyang umuwi dito sa Davao ‘no. So iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kaniyang personal na opinion,” paliwanag ni Roque.

Si Duterte ay nagsilbing vice mayor ng Davao City habang umuupong alkalde ang anak na si Sara mula 2010 hanggang 2013.

Bagama’t hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang mag-amang Duterte sa naging pahayag ni Panelo, suportado naman ang nasabing tambalan ng mga kaibigan at tagasuporta ng dalawa.

Paulit-ulit nang sinabi ni Duterte na nais na niyang magpahinga sa pagiging pulitiko sa pagtatapos ng kanyang termino bilang presidente dahil ayaw niyang maging “pulitiko habangbuhay”.

LATEST

LATEST