DOH, nagbabala laban sa paggamit ng hindi awtorisadong Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagbabala sa publiko at manufacturers ang Department of Health (DOH) noong Lunes tungkol sa bentahan ng mga unregistered na gamot na hindi pa na-clear bilang ligtas at epektibo ng pamahalaan, matapos maiulat na ilang mga mambabatas ang nakatanggap na aniya ng Covid-19 vaccine.

Nabakunahan na aniya ng Covid-19-vaccine sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong Sabado.

Nabigyan umano ang dalawang mambabatas ng tig-iisang dose mula sa bakunang maihahalintulad sa Pfizer vaccine.

“Not from Pfizer. Like lang. I don’t know the brand,” ani Sotto.

Binigyang diin naman ni DOH pokesperson Maria Rosario Vergeire na hindi pa pinapahintulutan ng Food and Drug Administration ang anumang Covid-19 vaccine na gamitin sa bansa.

Maaari lamang umanong gumamit ng bakuna kung naaprubahan na ito ng FDA para sa distrbution o di kaya ay nabigyan ng go-signal para sa pagsasagawa ng clinical trial sa bansa.

Wala pang clinical trial ang inaaprubahan ng mga awtoridad bukod sa WHO Solidarity Trial na nakatakdang mag-umpisa sa susunod na buwan.

“This is not the right way to go. Pinaalalahanan natin ang lahat na mag-ingat tayo. Tayo ay kukuha lang nitong bakunang ito, mag-aaccess lang kapag mayroon nang registered o kaya ay kapag nagumpisa na ang clinical trial natin,” ani Vergeire.

Nagbabala rin ang DOH sa mga manufacturers, suppliers, at distributors hinggil sa mga implikasyong ligal mula sa pagbebenta ng mga hindi pa rehistradong bakuna kontra Covid-19.

“Mayroong kaukulang sanctions itong mga nagbibigay nito na walang rehistro. Please, antayin matapos ang regulatory procedures natin bago kayo mag-distrubute ng ganitong bakuna because we are now talking about lives of people and public health should be protected,” giit ni Vergeire.

Wala rin umanong ibibigay na special treatment sa mga opisyal hinggil sa vaccine access, dagdag pa ni Vergeire.

LATEST

LATEST