800 gov’t officials at empleyado, tanggal sa serbisyo dahil sa kurapsyon: Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na ipagpapatuloy niya ang “paghahabol sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na sangkot sa graft and corruption,” habang binanggit na 800 opisyal at empleyado ang pinatanggal sa serbisyo dahil sa iligal na mga aktibidad.

Pinangalanan ng pangulo ang ilan sa mga ito, kabilang ang ilang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na nagbulsa umano ng buwis at humingi ng suhol para sa permit approvals.

Ayon kay Duterte, nahaharap sa kasong administratibo ang mga sinibak na opisyal.

Aniya, “Pa dating sa Ombudsman, the Ombudsman if he finds na tama na ‘yung ginawa sa administrative case, so we will file the corresponding criminal charge.”

Ang Office of the Ombudsman ay inatasang pamibestigahan at habulin ang mga opisyal ng gobyerno na inakusahan ng krimen, lalo na ang mga sangkot sa graft and corruption.

“So dalawa ang harapin mo, dismissal from the service, wala ka nang trabaho. Tapos makulong ka,” paglilinaw ng pangulo.

Tiniyak ni Duterte na magtutukoy siya ng mas maraming empleyadong sangkot sa katiwalian sa susunod na linggo.

Noong Oktubre, nag-isyu ng memorandum si Duterte upang direktahan ang Department of Justice (DOJ) na paimbestigahan ang mga anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.

LATEST

LATEST