Tarlac gov’t, kinontra ang datos ng DOH hinggil sa Covid-19 cases sa lalawigan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: BCDA

Ipinahayag ng Tarlac provincial government noong Linggo na ang naiulat na 211 na mga panibagong Covid-19 cases sa lalawigan na inanunsyo ng Department of Health (DOH) noong Sabado ay hindi tama aniya.

Sa isang Facebook post, iginiit ng provincial government na mayroon lamang 19 cases na opisyal na iniulat sa lalawigan, at ang mga ito’y ipinagbigay-alam sa DOH.

“The DoH central office is now in the process of correcting their post which caused unnecessary panic and inconvenience to Tarlaqueños,” pahayag ng local government.

Hindi pa naman nagbibigay ng tugon ang DOH bagama’t tinanong na ito ng media.

Tiniyak ng Tarlac provincial government na nag-uulat lamang ito, sa pamamagitan ng Provincial Information Office, ng: “what is official and do not withhold any information regarding this deadly pandemic.”

Ayon sa isang survey noong nakaraang buwan, hati ang opinyon ng mga Pilipino hinggil sa pagiging tama ng datos ng pamahalaan tungkol sa Covid-19 patients, kung saan 39 percent ng 1,249 respondents ang naniniwalang overreported ang Covid-19 cases. 31 percent naman ang nagsabing underreported ito habang 23 percent naman ang nagsabing “probably right.”

LATEST

LATEST

TRENDING