Sotto, umaasahang maihahanda ang bicam version ng 2021 badyet sa Disyembre 6

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Vicente “Tito” Sotto III
Kuha ni: Henzberg Austria (Senate PRIB)

Umaasa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maipapasa ng Senado sa ikatlong pagbasa ang bersyon nito ng 2021 General Appropriations Bill (GAB) sa susunod na linggo, habang inaasahang maihahanda naman ang bicameral version sa Disyembre 6 o 7.

“I expect it to be done by December 6, with or without contentious provisions,” ani Sotto noong Sabado.

Ang bicameral conference committee ay inatasang pag-isahin ang bersyon ng GAB mula sa Kamara at Senado.

Ipinasa ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang ipinapanukalang ₱4.5-trilyong 2021 national budget 2021 noong Oktubre 16..

Umaasa naman si Sotto na maipapasa ng Senado ng bersyon nito sa ikatlong pagbasa sa Nobyembre 24 o 25.

LATEST

LATEST

TRENDING