Sotto: Lacson at Romualdez, nabigyan na ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Panfilo “Ping” Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez
Larawan mula sa: Brigadanews

Nabakunahan na aniya ng Covid-19-vaccine sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III noong Sabado.

Nabigyan umano ang dalawang mambabatas ng tig-iisang dose mula sa bakunang maihahalintulad sa Pfizer vaccine.

“Not from Pfizer. Like lang. I don’t know the brand,” ani Sotto.

Unang inihayag ng kumpanyang Pfizer na positibo ang naging resulta ng Covid-19 vaccine nito, kung saan mahigit 90 percent effective umano ito.

Hindi pa nagbibigay ng tugon sina Lacson at Romualdez hinggil sa naging pahayag ni Sotto.

Sa ngayon, hindi pa inaaprubahan ng Food and Drug Administration ang anumang bakuna kontra Covid-19, subalit sinabi ng ahensya na posibleng maging available na ang mga bakuna bago magtapos ang second quarter ng 2021.

Mangyayari lamang aniya ito kung pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na magpapahintulot sa FDA na magbigay ng emergency use authorization (EUA) sa vaccine manufacturers upang mapabilis ang approval processing.

LATEST

LATEST

TRENDING