PAGASA, nilinaw na nagbibigay ito ng babala 5 araw bago tumama ang bagyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinahayag ng state weather bureau na PAGASA na nagbibigay ito ng mga posibleng scenarios ng bagyo, limang araw bago ang inaasahang pag-landfall nito, giit ng isang weather forecaster noong Linggo.

“Alam naman natin na ang bagyo po, di naman out of nowhere lumalabas bigla, papasok sa ating bansa…We will count a few days, sabihin natin 5-6 days bago ito tumama ng bansa. Wina-warn na natin ang mga tao at binibigyan na natin sila ng scenario,” ani Benison Estareja.

Umani ng pambabatikos kamakailan si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano dahil sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Batangas City habang nasa kasagsagan ng pagtama ng Bagyong Ulysses ang kanyang pinamumunuang lungsod.

Ayon sa alkalde, umalis siya ng Tuguegarao noong Nobyembre 8 para sa kanyang birthday celebration, kung saan walang nakataas na storm signal umano sa lungsod. Tumama sa kalupaan ng Quezon province si Ulysses noong gabi ng Nobyembre 11.

Iginiit ni Soriano na nakabalik siya “sa oras” para sa isinasagawang rescue operations ng mga residenteng na-stranded sa bubungan ng kani-kanilang mga tahanan.

Ayon naman kay Estareja, ang pagtataas ng storm signals ay nakabatay sa taglay na lakas ng hanging dala ng bagyo.

Aniya, “Kung sabihin man natin na ito’y dadaanan ng Bicol region, we cannot give a higher wind signal dito sa Tuguegarao.”

“Ang PAGASA regional offices po, ready din sila. Sa Tuguegarao, meron din tayong regional station. Sa Tuguegarao mismo, meron tayong forecasters na regional,” dagdag pa ni Estareja.

LATEST

LATEST