DOJ, pinag-iisipang maglagay ng mga kinatawan ng Ombudsman sa mga ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOJ Secretary Menardo Guevarra

Pinag-iisipan ng Department of Justice (DOJ) ang paglalagay ng senior investigating officers mula sa Ombudsman sa mga ahensya upang mapaigting ang isinasagawa nitong imbestigasyon sa mga kurap na opisyal, pahayag ni DOJ Secretary Menardo Guevarra noong Sabado.

Kinumpirma ni Guevarra na nakatanggap ang anti-corruption task force, na pinangungunahan ng DOJ, ng 60 reklamo sa nakalipas na dalawang linggo hinggil sa umano’y katiwalian sa  Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Department of Transportation (DOTr), Department of Health (DOH), iba pang ahensya, at “maraming” local government units.

Sinulatan umano ng DOJ ang mga ahensya upang hikayatin ang mga ito na maglagay ng “anti-corruption mechanisms” na layong palakasin ang koordinasyon sa task force.

“The DOJ is giving attention to these organizational and institutional arrangements so that actual investigation and prosecution may proceed smoothly and systematically in the months to come,” ani Guevarra.

Ayon sa kalihim, ang mga sari-saring reklamo mula sa maliliit na proyekto hanggang sa mga proyektong nagkakahalaga ng “daan-daang milyong piso,” ay inire-refer sa operations center evaluation committee upang masuri kung alin ang dapat bigyan ng prayoridad at habulin ng special investigation teams.

Binigyan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang task force nang hanggang Hunyo 30, 2022 — ang huling araw ng kanyang termino — para sugpuin ang kurapsyon sa pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING