Bagong pinuno ng JTF Covid Shield, pinangalanan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PLtGen Cesar Binag

May bago nang hepe ang Joint Task Force (JTF) Covid Shield sa katauhan ni PLtGen Cesar Binag.

Ito ay ibinunyag ni PLtGen Guillermo Eleazar noong Linggo. Si Eleazar ang pinuno ng task force hanggang sa siya ay itinalaga bilang bagong commander ng Philippine National Police Admin Support to Covid Operations Task Force noong Nobyembre 17.

Ayon kay Eleazar, proud siya sa paglilingkod sa JTF at hiniling na parehong pagsuporta rin ang ibigay kay Binag.

Ang nasabing task force, ayon sa PNP, ay nagsisilbi bilang “enforcement arm” ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) sa implementasyon ng quarantine protocols.

Ang task force ay kinabibilangan ng mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines,  Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection.

LATEST

LATEST

TRENDING